"Isulong ang Breast-feeding,Tama,Sapat at Ekslusibo",yan ang tema ng Buwan ng Nutrisyon taong 2011.Ano nga ba itong breast-feeding?Bakit kailangan nating isulong?Makakatulong ba ito sa paglaki ng isang sanggol?Mahalaga ba ito?Ano ang mas importante?Powdered milk o Breast-feeding?
Mahalaga ang papel ng isang ina sa kanyang sanggol na anak.Kailangan niyang bigyan-pansin ang kalusugan nito.Hindi lang ang kanyang kalusugan kundi kung ano ang makakabuti para sakanya.Napakahalaga ang breast-feeding sa paglaki ng isang sanggol.Kung ikukumpara natin ang breast-feeding sa powdered milk,mas malaki ang maitutulong ng breast-feeding.Mas marami ang makukuhang nutrisyon at mga bitamina.Hindi tulad ng powdered milk maaapektuhan ang utak ng isang sanggol.Hindi lahat ng powdered milk mabuti sa katawan ng isang bata.Ipatupad o isulong ang breast-feeding sapagkat nagbibigay ng malaking kabutihan sa katawan ng isang sanggol.Mas piliin natin ang breast-feeding dahil dito hindi na magproproblema ng isang ina sa pagbili ng mga gatas nito.
Ang gatas ng aso ay para sa tuta.Ang gatas ng baboy ay para sa biik.Ang gatas ng baka ay para sa anak mo?Hindi hayop ang anak mo!Gumising na kayo! Hahayaan ba nating hindi malusog ang mga sanggol?Sabay-sabay at kapit-bisig tayong isulong ang breast-feeding.BREAST-FEEDING ! Ating Isulong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento